Biyernes, Mayo 29, 2015

Uri ng Balita

Uri ng Balita

1. Paunang paglalahad - Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2. Tuwirang paglalahad - Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye.

3. Balitang bunga ng pakikipanayam - Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4. Kinipil na Balita - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5. Madaliang Balita o Flash - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.

6. Depth news o balitang may lalim - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.

7. Balitang Pangsensya - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.

Iba pang uri ng balita

1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.

2. Balitang Pambansa - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa

3. Balitang Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa: Digmaan sa iraq

4. Balitang Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.

5. Balitang Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pangkalakasan

6. Balitang Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.

7. Balitang Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa pamamahala ng tahanan.

8. Balitang Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.

9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.


10. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento