Agyu (Epikong Manobo)
Ang pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay pangongolekta ng sera. Ipinapalit nila ang sera sa mga Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay, asin at asukal. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa pagkakautang nila ng isang daang tambak ng sera. Upang maiwasan ang madugong labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng payapa. Sinundan nila ang mga ito upang patayin siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang pamilya ng buong tapang at lumabas na panalo sa laban sa mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan ng bundok.
Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy ramo. Umuwi siya na dala ang kanyang huli habang ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga kapatid na babaing sina Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati nila ang baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin.
Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman, Banlak? tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.
Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lona na pumunta sa Ayuman dala ang karne at pulot para kay Mungan. Nang makarinig siya ng malakas na boses na nagsasabl kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng mga diyos.
Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kay Agyu at Banlak kung ano ang narinig. Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay binagtas ni Agyu ang daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta na si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay. At nang bumalik siya sa Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa Tigyangdang. Ngunit hindi nila nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban.
Nang' dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit ang kanyang batang anak na si Tanagyaw.
Payagan mo akong 1umaban, ama, sabi niya.
Ngunit napakabata mo pa, anak, sinabi niya rito.
Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama, pilit ni Tanagyaw.
Humayo ka at nawa ay tulungan. ka ng mga diyos. Ingatan mo ang sarili mo!
At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban.
Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-anon ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa nila. Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan laban sa mga kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga kaaway ng Baklayon. Nais ng datu ng Baklayon na ipakasal ang kanyang anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-ayon-si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan.
Sa kabilang dako, hindi tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni Agyu. Paminsan-minsan ay mayroong mga kaaway na umaatake sa mga pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga hayop ni Agyu. Ngunit matanda na upang lumaban si Agyu. Upang kalabanin ang mga kaaway, nagsuot si Tanagyaw ng baluti na kasing tigas ng metal na sa lakas ay hindi maigalaw ng hangin. Pagkatapos ay kinalaban niya ang mga kaaway at lumabas na panalo. Ngunit hindi pa handang sumuko ang mga kalaban. Sinugod ng anak ng datu si Tanagyaw gamit ang ginintuang espada. Ginamit ni Tanagyaw ang gintong tungkod at nagawang patayin ang anak ng datu at ang kanyang mga kasama at tumakas sa bundok dahil sa takot.
Napanuto na si Agyu. Nalalaman niya na maghahari na ang kapayapaan sa kanilang kaharian. Ngayon ay tatamasain na nila ang magandang buhay na mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana at ang mga hayop ay dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag niya ang anak na si Tanagyaw.
Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at pamahalaan ito ng may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.
Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama sagot ni Tanagyaw.
Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang kanilang mga alipin ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na sila upang magsimula ng isang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento