Biyernes, Mayo 29, 2015

Nobela

Ano ang Nobela?
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan


Uri ng nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema



Elemento ng nobela
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
    a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
    b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
    c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari


Layunin ng nobela
1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian ng nobela
1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari



Mga Halimbawa ng Nobela
Ang Huling Timawa
Ang Magpapawid
Ang Mestisa
Ang Monghita
Ang Probinsiyana
Ang Singsing nang Dalagang Marmol
Ang Tala sa Panghulo
Bagong Kristo
Banaag at Sikat
Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?
Bayang Nagpatiwakal
Binhi at Bunga
Bulaklak ng Bagong Panahon
Daluyong
Dekada 70
El filibusterismo
Gapô
Halimuyak
Halina sa Ating Bukas
Ipaghiganti mo ako!
Kanal dela Reina
Kangkong 1896
Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng
Lagrimas
Lakandula
Landas ng Pag-ibig
Lihim ng Isang Pulo
Luha ng Babae
Luha ng Buwaya
Lumubog ang Bitwin
Mag-anak na Cruz
Maganda pa ang Daigdig
Makamisa
Makata at Paraluman
Maria Mercedes
Maring (Dangal at Lakas): Ulirang buhay Tagalog
Mga Ibong Mandaragit
Mutyang Itinapon
Nanay Ko!
Nayong Manggagawa
Nena at Neneng
Noli Me Tangere
Pinaglahuan
Punyal na Ginto
Sa Lundo ng Pangarap
Sa Mga Kuko ng Liwanag
Sanggumay
Sanlibong Pisong Kagandahan
Si Tandang Bacio Macunat
Sugat ng Alaala
Tanikala ng Pagtitiis
Tatlong Maria
Timawa
Titser
Tulay na Buhangin
Urbana at Felisa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento