Lunes, Mayo 1, 2017

S U B O K N G K A P A L A R A N

S U B O K   N G   K A P A L A R A N


Kung minsan, yung mga bagay na darating sa buhay natin na di naman natin inaasahan, minsan natatanggap natin, minsan hindi, sapagkat ang dulot nitong karanasang ito ay dala dala ang tanda, sa kahit saang sulok man ng mundo pumunta, tanda na siyang nag papaalala na minsan kanang sinubok ng panahon, na siyang dahilan ng kalagayan o katayuan meron ka ngayon…

Nasa murang gulang palang ako, nasubo ko na ang maghanap buhay, nasa walang taong gulang lang ako noon, at sumasama na sa mga kamag anak para mag hanap buhay, sa pamamagitan ng pamimitas ng ibat-bang halaman, harvest ng mais, o ano mang klaseng pwedeng pagkakitaan na nasa marangal na hanap buhay…minsan naiiyak ako dahil sa tindi ng init, dahil sa bigat ng trabaho, na di naman bagay sa aking edad, pero tanging inspirasyon ko, yung may maihain sa hapag-kainan pagsapit ng takip silim, nd ko maipaliwanang nararamdaman ko pagka sumapit na ang gabi…masakit ang buo kong katawan, hindi nakakatulog ng maayus, yun bang ayaw ko po kasi na nakikita kong magulang ko ang nag hihirap magtrabaho, mula noong natuto ako sa ibat ibang klase ng hanap buhay, minsan dahil sa nag aaral ako, umaabsent ako, minsan pumapasok ng paaralan na walang tsinelas, selophen ang BAG..at nilalagay lang sa likod para di halata..

Sumapit yung araw na kung saan di ko inaasahang darating sa aking buhay, yun bang karanasan na di mo maliliutan habang panahon, nagka landslide at natabunan ako ng lupa, nd ko na matandaan kung ilang sigundo o ilang minuto ako sa loob ng gumuhong lupa, at ilang araw ako sa ospital bago nagkamalay, pagka dilat ko ng aking mata, wala akong makita, hinaplos ko ang aking mga mata, naramdaman ko itong parang bukol ang laki, opo lumaki ang aking mga mata, at di ako makapag salita sapagkat ang aking dila ay napuno  ang akingbunga-nga dahil sa laki ng aking dila, ilong ko, mata ko, bunga-nga ko, tenga ko, doon lumabas ang dugo, mga ugat sa kamay at paa ko dis-align na sila..malamang sa tindi ng pwersa ko…na umaasa sanang makakaligtas, makakalabas sa kinasapitan kong trahediya…huli kong sambit at panalangin bago ako tuluyang mawalan ng hining sa loob, nasabi ko ang ganito “Ama kung gusto nyo pa pong mabuhay ako, please iligtas nyo po ako, pero kung di na po, kunin na nyo ako, para di na ako mahirapan pa, pinaka huling katagang nabanggit ko, sabi ko “ Inay tulungan mo ako” bago tuluyang parang natutulog lang ng mahimbing…

Noong makakakita na ako sa ospital na kung saan ako dinala, sinubok kong tumayo, pero naluha ako kasi may damage na pala ang kabila kong paa, na sanhi noong lakas nung lupa na bumagsak sa aking katawan…nasabi kung bakit sa akin pa ito nangyari, sa dinami dami ng taong masama bakit sa akin pa…

Kaya mula noon nawalan na ako ng pag asa sa buhay, naisip kong wala na akong kinabukasan, sapagkat di na ako makakagalaw ng normal, kagaya noong una…masakit sa masakit…sapagkat di ko gimusto ang nangyari….kinamumuhian ko yung pangyayaring iyon…kinamumuhian ko…

Pero sa bandang huli, na realized ko na lahat pala ng bagay na darating sa ating buhay ay may dahilan, may purpose kumbaga, ang mga akala ko noon na mawawalan na ako pag-asa ay di pala yun mangyayari, lalo nat nagsisikap ka para sa sarili mo maipakita na kaya mong makipag sabayan sa mga normal na nakakalakad, at maipakita yung mga talentong meron ka na wala sila…sa ngayon nasa mabuti at matiwasay akong kalagayan sa tulong at awa ng AMA, na siyang lagi kong sinasalaigan sa lahat ng bagay na hinahangad ko sa buhay, at inihahabilin ko na sa kanya ang lahat-lahat sa aking buhay…



TRUE STORY BY: Elmer Saglayan

Linggo, Abril 23, 2017

ugat ng lahat ng uri ng kasamaan

1 TIMOTEO 6:10
Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

Martes, Pebrero 7, 2017

POBRENG KASINTAHAN

POBRENG KASINTAHAN
By: Pilita Corales
Lyrics by: ets remle madrano

l
Akoy pobreng kasintahan
Walang lagging kaligayahan
Pagkat ang aking pinaka mamahal
Ay umibig sa dati kong kaibigan


ll
Sadyang ayaw maniwala
Ang puso kong kaawa-awa
Pag-suyo niya’y pakita lamang pala
Siya’y nag tataksil naman kay tagal na…

lll
Aruyyyy aruyyyy ayaw matahimik
Ang sawi kong puso
Aray…aray…
Oh ako ang tunay..
Na  pobreng kasintahan…

lV
Aruy aruy aruy,aruy aruy aruy, aruy aruy aruy..aruy..aruy aruy
Ang kanyang pagsuyo ay pakita lamang
Aray aray aray aray aray aray aray aray aray aray aray ray
Oh ako ang tunay na pobreng kasintahan